Inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na budget na inihanda ng nakaraang administrasyon ang gamit sa kasalukuyan ng Marcos government.
Ayon kay Angeles, kailangan nilang maghintay sa panahon para makapagbalangkas ng sarili nilang budget at ito’y para sa susunod na taon sa 2023.
Taong 2021 pa aniya nailatag ng Duterte administration ang naturang budget na siyang ginagamit sa kasalukuyan.
Nasa mahigit limang trilyong piso ng 2022 General Appropriations ang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ginagamit sa COVID-19 response, pagbili ng bakuna at pagpapaayos ng mga paaralan at unibersidad.