Inihayag ng Department of Education (DepEd) na aprubado na ng Senado iminungkahing budget ng kagawaran para sa taong 2022.
Ang naturang budget ay nagkakahalaga ng 629 bilyong piso kung saan 6% ang itinaas nito kumpara sa 595 bilyong pisong budget nuong nakaraang taon.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Education Secretary Leonor Briones sa Senado sa pagkilala sa pangangailangan na ipagpatuloy ang face to face classes program na nakatutok sa pagbawi ng edukasyon.
Sinabi ng DepEd na sa ilalim ng 2022 Budget ay tumaas ang alokasyon para sa mga malalaking programa ng kagawaran katulad ng computerization program at government assistance and subsidy kasama ang senior high school voucher program.
Maliban dito, naglaan an rin ang DepEd ng 358 milyong piso para sa bagong likhang programa na tinatawag na priority school health facilities bilang tugon sa COVID-19 pandemic.