Kinumpirma ng Malakanyang na dinagdagan ng 5.2 billion pesos ang pondo ng Office of the President sa ilalim ng 2025 national budget para sa preparasyon ng Pilipinas sa pagho-host ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit para sa taong 2026.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, napunta sa Pilipinas ang hosting duties dahil sa sa alphabetical order ng umatras ang myanmar bilang host ng 2026 ASEAN Summit.
Inako umano ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil hindi maaaring hayaan na hindi maidaos ang ASEAN Summit na isang mahalagang bahagi ng international relations.
Dahil dito, inaasahan ding hihirit pa ang OP ng mas malaking budget para sa taong 2026.
Tantiya ni executive secretary bersamin, halos 22 bilyong piso ang kakailanganing budget para sa paghahanda sa ASEAN Summit.