Aprubado na ng house appropriations committee ang panukalang 20 Billion Peso budget ng Office of the President para at 428. 6 Million Peso budget ng office of the Vice President sa susunod na taon.
Tatlong minuto lamang ang itinagal ng pag-apruba nang kumite sa panukalang budget ng tanggapan ng Pangalawang Pangulo habang sampung minuto sa Tanggapan ng Pangulo.
Gayunman, kinuwestyon ni House Minority Leader at Quezon Province 3rd district rep. Danilo Suarez ang kabiguan ni Vice President Leni Robredo sa hearing na una ng nagpresente ng panukalang pondo ng OVP sa Senado.
Nilinaw ni OVP Chief of Staff, Undersecretary Philip Dy na hindi nakadalo si Robredo as budget hearing dahil abala ito sa Pagadian City.
Naging tradisyon na sa Kamara na iwasang gisahin ang budget ng mga government agency na pinamumunuan ng mga dating miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Magugunitang bago mahalal bilang Pangalawang Pangulo ay nagsilbi ng isang termino si Robredo bilang Kongresista ng Camarines Sur.
By: Drew Nacino