Pinadadagdagan ng mga kongresista ang budget para sa 2022 ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo.
Ang inaprubahang 2022 budget ng OVP na nasa halos P714-M ay 21% na mas mababa sa 2021 budget nitong P900-M.
Ayon kay Camarines Sur congressman Gabriel Bordado, dapat dagdagan ang budget ng OVP dahil malaking pondo naman nito ay napupunta sa financial assistance at subsidies sa ilalim ng anti-poverty program na Angat Buhay.
Umaasa naman si Vice President Robredo na gagawing P1-B ang budget ng kanyang opisina sa susunod na taon.