Tinapyasan ng 30 porsyento ang budget pra sa 2016 Rio Olympic at Paralympic Games.
Ayon kay Rio 2016 Communications Director Mario Andrada, ito ay dahil sa pangamba ng mga mamamayan ng Brazil na malustay at sobra-sobra ang gastusin para sa naturang prestihiyosong palaro.
Dahil dito, sinabi ni Andrada na hindi na dapat lalagpas sa P3.6 na bilyong dolyar budget para sa Rio Olympics.
Tiniyak naman ni Andrada na hindi maaapektuhan ng naturang budget cut ang 50 olympic at paralympic events na lalahukan ng may 15,000 atleta mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
By Ralph Obina