Approval na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maipalabas ang nasa P46-B na pondo sa ilalim ng bayanihan 2 o bayanihan to recover as one act.
Ito ang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) bilang depensa sa umano’y mabagal nilang proseso ng disbursement ng pondo.
Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, hindi pinapatagal o inaantala ng DBM ang pagpapalabas ng pondo para sa bayanihan 2.
Bagkus, bahagi aniya ng kanilang trabaho na matiyak na may pondo ang bawat ahensiya ng pamahalaan.
Dagdag ni Avisado, nakasaad din sa batas na tanging ang pangulo lamang ang maaaring mag-apruba sa lahat ng inilaang pondo sa bawat ahensiya.
Kabilang aniya sa pondo na hinihintay pang aprubahan ni Pangulong Duterte ang P20.5B para sa Department Of Health, P11.6B sa agricultrure, P8B sa DOLE at P6B para sa DSWD.