Makabubuting gamiting pampondo sa panukalang Bayanihan 3 ang mahigit P500-B na bahagi ng pambansang budget ngayong taon.
Ito ang suhestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, aniya, mabubuo ang 500-B mula sa mga infrastructure project na napaglaanan na ng budget pero malabong matuloy at matapos ngayong taon nang dahil sa COVID-19 pandemic.
May nakita na anya ang kaniyang tanggapan na mga items sa 2021 budget ng DPWH na maaring hindi magawa o maaring ipagpalban gaya ng mga kalsada, tulay at multipurpose buildings.
Isa rin sa muling tinukoy ni drilon ang P19-B na budget ng national task force to end local communist armed conflict bagaman naibigay na sa task force ang P10.7-B.
Maari rin aniyang umutang muli ang gobyerno para sa Bayanihan 3.
Layunin ng Bayanihan 3 na isinusulong sa senado at Kamara na makapagbigay muli ang gobyerno ng ayuda sa mga kapus palad, mga manggagawa at maliliit na negosyante, gayundin ang pagpapasigla ng ating ekonomiya.