Hindi pa napopondohan ang P45-B na budget para ipambili ng COVID 19 booster shot sa ilalim ng panukalang 2022 national budget.
Ayon ito kay acting budget secretary Tina Rose Canda matapos ilagay sa unprogrammed fund ang budget para sa pagbili ng COVID-19 booster shots.
Sinabi ni Canda na sa ngayon ay wala pang katiyakan o nakakapagsabing kailangan ang booster shot kaya’t hindi pa mailagay sa programmed fund.
Ang unprogrammed funds ay mga item na popondohan kung lalampas ang koleksyon ng buwis sa target nito at kung napasakamay na ng gobyerno ang mga dagdag na grant ng foreign funds.