Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aprubado na ng finance management service ang ikalawang bugso ng ayuda para sa mga mahihirap na pamilyang pilipino o mga benepisyaro ng pantawid pamilyang pilipino program o 4Ps.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, inaasahan ng kanilang ahensya ang targeted cash transfer o tct o ang paglilipat ng pondo ng finance management service sa loob ng dalawang buwan.
Sa huling datos ng ahensya, 15 milyong pilipino ang ikinukonsidera bilang “poorest of the poor” pero ang natitira umanong budget sa ngayon ay tanging P4.4 million na lamang.
Sa kabila nito, layunin ng DSWD na gawing digitize o ang paggamit ng qr codes at reference number sa distribusyon ng cash assistance at hindi na ibibigay ng manu-mano o personal sa mga pamilyang benepisyaryo nito.
Bukod pa dito, kanila ding sisilipin ang bawat benepisyaryo kung nagagamit sa tama ang cash assistance na ibibigay ng pamahalaan.