Nangangamba ang Department of Education (DepEd) na kukulangin ang budget na nakalaan para sa pagsasa-ayos ng mga classroom na nasira sa pagtama ng sunod sunod na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nagrequest na sila ng pondo sa National Disaster Coordinating Committee para dito.
Ngunit paliwang ng kalihim, sunod-sunod ang mga lindol na naganap kaya’t malaki ng posibilidad na kulangin ang kanilang hiniling na pondo.
Dagdag pa nito, nasa 273 paaralan at gusali ng ahensya ang nasira ng paglindol noong Oktubre 16, nadagdagan pa ito matapos ang muling paglindol noong Martes.
Hanggang sa ngayon ay suspendido pa rin ang klase sa Cotabato para bigyang daan ang gagawing assessment ng ahensya sa pinsalang naganap sa mga paaralan sa naturang lalawigan.