Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng mahigit tatlong (3) trilyong piso.
Inaprubahan ng mga mambabatas ang nasabing panukala sa pamamagitan ng viva voce voting dalawang linggo bago matapos ang ginagawa nilang plenary deliberations.
Una rito, sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa sa nasabing panukala lalo’t malaking bahagi rito ay ilalaan para sa edukasyon at imprastraktura.
Dahil dito, hindi na daraan pa sa deliberasyon ang nasabing panukala para sa ikatlo at huling pagbasa sa halip, maaari nang dumiretso ang mga kongresista sa botohan.
—-