Vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang exclusion ng lupaing pag-aari at inookopahan ng State Colleges and Universities mula sa Comprehensive Agrarian Reform Program sa ilalim ng P5-T National Budget sa taong 2022.
Nakasaad ito sa kanyang veto message hinggil sa Republic Act 11639 o General Appropriations Act of 2022 na inilabas ng Department of Budget and Management.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala namang kaugnayan sa anumang appropriation sa budget para sa S.U.C. ang Special Provision 17 lalo’t saklaw na ito ng isang hiwalay na batas.
Tinukoy ng Pangulo ang section 10 ng Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988 na nagsasaad na ang mga lupaing ginagamit para sa mga parke, wildlife, forest reserves, reforestation; fish sanctuaries, breeding grounds, watersheds, mangroves, national defense, school sites at campuses, kabilang ang experimental farm stations na inooperate ng public o private schools at simbahan o iba pang pook-sambahan ay exempted sa coverage ng General Appropriations Act.