Isusulong ng papasok na Administrasyong Duterte ang Budget Reform Act of 2016.
Ayon kay Incoming Budget Sec. Benjamin Diokno, ito ay upang maiayos ang sistema ng budget na tatlong dekada nang ginagamit at pilit na binabago ang mga termino.
Tiniyak ni Diokno na sisiguraduhin din ng susunod na administrasyon na susunod ito sa naging desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
By: Katrina Valle