Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang budget reform bill na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa botong 158 na pabor, walo na tumutol at isang abstention, naipasa ang House Bill 7302 na pinaniniwalaang magpapalakas sa ‘power of the purse’ ng Kongreso.
Layon ng naturang panukala na palakasin ang pagkakaroon ng transparency at accountability upang maging mas maayos proseso ng mga pondo.
Nakasaad din na dapat magsumite ang lahat ng ahensya ng gobyerno ng kanilang financial report sa Kongreso at sa Commission on Audit (COA).
Mananagot naman ang mga opisyal na mabibigong makatupad sa naturang alituntunin.
—-