Nanindigan si Budget Secretary Benjamin Diokno na walang pork sa pambansang pondo sa taong ito.
Gayunpaman, wala aniyang masama kung pondohan man ng gobyerno ang PET Projects ng mga mambabatas.
Depensa rin ni Diokno, nakatuon ang Fiscal Policy sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko at hindi ang punan ang bulsa ng mga mambabatas bilang pagsiguro sa kanilang katapatan sa administrasyon.
Matatandaang kinuwestyon ng militanteng grupong Bayan ang umano’y pag-una ng gobyerno sa congressional pork kaysa pagdagdag ng SSS pension.
Ayon sa Budget Secretary, kung totoo ngang pinalusot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pork barrel sa 2017 National Budget, hindi mabibigyang-katwiran ang isyu ng kawalan ng sapat na pondo bilang dahilan kaya hindi mailarga ang dagdag na SSS pension.
By: Avee Devierte