Patung-patong na kasong plunder at paglabag sa Anti Graft and Practices Act ang isinampa sa Ombudsman laban kay Budget Secretary Florencio Abad.
Nag-ugat ang kaso sa di umano’y maanomalyang pagpapatupad ni Abad sa DAP o Disbursement Acceleration Program.
Sa reklamong inihain ni Atty. Bonifacio Alentahan, inakusahan nito si Abad ng maanolyang paglipat ng 950 million DAP fund sa isang ahensya ng pamahalaan.
Ginamit aniya ang pondo para gawing incentive o suhol sa may 19 na senador na bumoto para sa impeachment noon ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Kasabay nito, hiniling rin ni Alentajan sa Ombudsman na agad patawan ng preventive suspension si Abad base sa itinatakda ng Saligang Batas.
Matatandaan na ilang bahagi ng pagpapatupad ng DAP ang nauna nang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.
By Len Aguirre | Jopel Pelenio (Patrol 17)