Lusot na sa Committee on Budget and Management ng Commission on Appointments si Budget Secretary Benjamin Diokno.
Si Diokno ang kauna-unahang cabinet member ng Duterte administration na isinalang sa CA.
Nabatid na binasa lamang ni Diokno ang kanyang opening statement at walang sinumang miyembro ng komite ang nagtanong pa rito.
Kaagad namang inendorso ni Congressman Ronnie Zamora ang pagkumpirma kay Diokno at sinegundahan ito ni Senador Loren Legarda.
Kaagad namang isinalang sa plenaryo si Diokno para sa official confirmation ng Kalihim.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)