Kasado na bukas ang Big time oil price hike ngayong unang linggo ng taong 2022.
Maglalaro sa P1.90 sentimos hanggang P2.00 ang dagdag-presyo sa gasolina; P2.20 – P2.30 sentimos sa diesel habang P1.80 hanggang P1.90 sa kerosene.
Ayon sa mga Oil Industry Source, tumaas ang demand sa petrolyo noong nakaraang linggo sa kabila ng pagkalat ng COVID-19 Omicron variant.
Isa rin umano sa dahilan ang paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.
Sa kabila nito, may tapyas naman sa presyo ng LPG na P2.55 centavos sa kada kilo ng tangke ng Solane, Petron Gasul at Phoenix Super LPG, simula kahapon. —sa panulat ni Drew Nacino