Buena manong bigtime oil price hike ang sumalubong sa mga motorista ngayong unang Martes ng bagong taon.
Epektibo alas 12:01 kaninang hatinggabi, inilarga ng Caltex ang dagdag P2.10 sa kada litro ng diesel; P2.90 sa gasolina habang P3.05 sa kerosene.
Sinundan ito ng kahalintulad na price increase ng Shell, Petron, PTT Philippines, Jetti Petroleum, Flying V, Seaoil at Petrogazz, kaninang alas-6 ng umaga.
Mamayang alas-4:01 naman ng hapon aarangkada rin ang malakihang dagdag presyo ng Cleanfuel.
Ito na sa ngayon ang ikatlong sunod na linggong nagpatupad ng price hike ang mga kumpanya ng langis sa gasolina at kerosene o gaas.
Isa sa mga dahilan nito ang muling pagbubukas ng ekonomiya at pagluluwag ng China sa kanilang travel restrictions sa kabila ng pinaka-matindi umanong Covid-19 surge na nararanasan sa bansa.