Inamin ng NFA o National Food Authority na wala na silang buffer stock ng bigas.
Sa panayam ng programang “Sapol ni Jarius Bondoc, sinabi ni NFA Administrator Jason Aquino na nag-request na sila para mag-angkat ng 500,000 metric tons ng bigas na inaprubahan ng NFA Council noong nakaraang taon.
Subalit, ayon kay Aquino, 250,000 metric tons lamang ang inaprubahan na idadaan sa pamamagitan ng government-to-government importation.
Sinabi ni Aquino na dapat ang NFA ay mayroong stock ng bigas sa loob ng 15 araw, alinsunod sa LEDAC Policy noong 1996.
Sa pagtaya ng opisyal, aabot sa 33,000 metriko toneladang bigas ang daily consumption sa buong Pilipinas.
“Wala na po tayo ngayon, ang inventory na po ngayon ay 12 days na lang at pababa ng pababa. Nag-request na tayo na sana aprubahan nila yung previously approved, last year it was approved na yung 250,000, 500,000 metric tons ang inapprove nila pero ang pinayagan nila ay yung kalahati lang.” Pahayag ni Aquino
By Meann Tanbio | Sapol (Interview)