Winasak ng buhawi ang ilang kabahayan sa bayan ng Bucloc sa lalawigan ng Abra kahapon ng hapon.
Ayon sa Abra-Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, tinatayang aabot sa 28 katao ang naapektuhan ng pananalasa ng buhawi habang nasa anim na kabahayan naman ang nasira kung saan dalawa dito ang napaulat na totally damaged.
Agad namang nagpaabot ng tulong sa mga apektadong pamilya ang lokal na pamahalaan ng Bucloc.
Maliban dito, nagkaroon din umano ng mga pagguho ng lupa sa nabanggit na bayan bunsod ng paglambot ng lupa dahil sa patuloy na nararanasang sama ng panahon.
Pahayag pa ng MDRRMO na ongoing parin ang clearing operations doon katuwang ang ilang residente sa lugar.