Winasak ng isang malakas na buhawi ang ilang kabahayan kabilang na ang city hall sa Marawi City kahapon, Nobyembre 4.
Ayon kay Zia Alonto-Adiong, myembro ng Parliament Bangsamoro Transition Authority, unang namataan ang pamumuo ng madilim na ulap sa kalangitan hanggang sa nabuo na ang buhawi pasado 2 p.m.
Tumagal aniya ng halos 10 minuto ang pananalasa ng buhawi sa lugar.
Kabilang sa nasira ng bubungan umano ng city hall sa Barangay Fort kung saan nakatayo ang sangguniang panglungsod.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang halaga ng pinsalang dulot ng buhawi habang wala namang naiulat na nasawi o namatay sa pangyayari.