Binigyang-diin ni Executive Sec. Salvador Medialdea na buhay at malakas ang demokrasya sa Pilipinas taliwas sa naging pahayag ni Filipino United Nations Rapporteur Victoria Tauli-Corpuz.
Ayon kay Medialdea, ipinatutupad ng tama ang lahat ng nakasaad sa ating saligang batas at gumagana ng maayos ang Philippine Government kaya’t walang basehan ang sinabi ng pinay UN rapporteur na authoritarian ang kasalukuyang administrasyon.
Malinaw aniya na ipinapakita lamang ng mapanirang statement ni Tauli-Corpuz ang kawalan nito ng sapat na kaalaman sa mga tunay na problema ng Pilipinas.
Matatandaang si Tauli-Corpuz ang Filipino UN Rapporteur na idineklarang terorista ng pamahalaan dahil sa pagkakaroon umano nito ng malalim na koneksyon sa komunistang grupo.