Naging buhay ang kabayaran bago matauhan ang gobyerno para tuluyang ipagbawal ang small-scale mining sa Benguet.
Matatandaang ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang small-scale mining sa Benguet kasunod ng pagkasawi ng higit 40 inibiduwal sa naganap na landslide noong nasagsagan ng Bagyong Ompong.
Ayon kay Alyansa Tigil Mina Spokesperson Jaybee Garganera, naging maluwag ang DENR at lokal na pamahalaan sa operasyon sa maliliit na minahan sa Benguet Corporation.
“Mukha pong umabot sa punto na tinanggap na ng DENR, Benguet Corp. at local government hindi kayang pigilan yung mga small-scale mine workers kasi hindi lang po dahan-dahan yan baka po umabot ng libo.” Pahayag ni Garganera.
Malaki rin aniya ang naging kapabayaan ng naturang korporasyon dahil sa hindi pagsasaayos ng kanilang iniwang minahan.
“Ang kulang diyan ng Benguet Corporation dapat po more than 10 years ago nagsimula na sila magpatupad ng rehabilitation nung mine na yan so kung may mga dapat isara na mga butas o tunnel, dapat isinara na nila. Yung may mga open-pit na may mga maliliit na lawa dapat tinabunan na nila yan dapat po malaking reforestation ang dapat isagawa diyan para ho yung mga landslide, flooding ay maiiwasan.” Ani Garganera.