Binawasan ang binuksang gate sa ilang dam ngayong araw.
Batay sa abiso ng PAGASA, kaninang alas-6 ng umaga, mula sa walo at anim na gate, dalawa na lamang gate ang binuksan sa Ambuklao at Binga Dam sa parehas na isang metro.
Nasa mahigit 700m naman ang lebel ng tubig sa Ambuklao na maituturing na normal high water level.
Samantala nasa mahigit 500m naman ang lebel ng tubig sa Binga Dam.
Ayon sa PAGASA, inaasahan pa ring magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan ang hanging Habagat sa iba’t ibang panig ng bansa.