Isinailalim na rin sa state of calamity ang lalawigan ng Bukidnon dahil sa tumataas na kaso ng dengue.
Batay sa resolusyon na ipinasa ng sangguniang panlalawigan, lumampas na sa five-year epidemic threshold ang kaso ng dengue sa probinsya mula noong Enero hanggang nitong Hulyo.
Batay sa report, nakitaan ng pagtaas ng kaso ang dalawang lungsod at labingsiyam na bayan, na may mahigit limang libong dengue cases, kung saan labingpito ang napaulat na nasawi sa naturang sakit.
Una nang sinabi ng provincial health office na naitala ang pinakamaraming kaso ng dengue sa Malaybalay City, na may 926 cases, na sinundan ng Valencia City na nakapagtala ng 508 cases.
Sa pamamagitan ng nasabing deklarasyon, magagamit na ng lokal na pamahalaan ang kanilang calamity fund para labanan ang dengue.