Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Bukindon dakong 9:22 p.m. ng Lunes, Nobyembre 18.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa layong 6 kilometro hilagang-kanluran ng Kadingilan, Bukidnon at may lalim itong 9 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Bukidnon (Kadingilan, Damulog, Kalilangan, Talakag, Valencia City), Kidapawan City, Marawi City.
Intensity IV sa Impasugong Bukidnon, Cotabato City; Davao City; Koronadal City, Malungon, Sarangani ; at Cagayan de Oro City.
Intensity III sa Gingoog City, Tupi, South Cotabato, Alabel, at Sarangani.
Intensity II naman sa Kiamba Sarangani, General Santos City, at Mambajao Camiguin.
Naitala rin ang Instrumental Intensity IV sa Kidapawan City at Intensity III sa Davao City.
Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng maranasang mga aftershocks.