Muling nakapagtala ng mahihinang pagbuga ng usok sa Taal volcano sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Taal volcano bulletin ng Phivolcs, mahihinang pagbuga ng puting usok ang naitala sa bulkan na ang taas ay umabot sa 50 metro hanggang 500 metro.
Umabot naman sa 141 tonelada kada araw ang naitalang sulfur doxide emission mula sa bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na anim na volcanic earthquake lamang sa bulkang Taal ang naitala simula kahapon ng umaga hanggang 5 a.m. ngayong umaga, Enero 23, at ito ay nasa magnitude 1.5 hanggang magnitude 3.4.
Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa bulkang Taal kaya’t posible pa ring magkaruon ng hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras o araw.