Bahagya nang umusad ang Bagyong Ramon habang patuloy itong nagpapaulan sa dulong hilagang Luzon partikular na sa lalawigan ng Cagayan.
Batay sa pinakahuling datos mula sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Ramon sa layong 395 kilometro Hilaga Hilagang Kanluran ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyong Ramon ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Nananatiling mabagal ang pagkilos ng bagyong Ramon na nasa 10 kilometro bawat oras patungo sa direksyong pahilaga-hilagang kanluran.
Maliban sa bagyong Ramon, may isa pang namumuong sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA na nasa layong 2,400 kilometro silangan ng Visayas.
Posible itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Martes subalit malabo ang tsansa nitong maging isang super typhoon.
Bagama’t inaasahang mabubuo ito bilang isang ganap na bagyo, pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa Southern Luzon at Visayas area na siyang tutumbukin nito