Nagpahayag ng pagkabahala si Malolos Bishop Jose Oliveros sa pagtaas ng insidente ng drug related killings sa Bulacan.
Ayon sa obispo, hindi niya alam ang motibasyon ng mga pulis kung bakit kailangang gawin sa iisang araw ang mga pagpatay.
Marahil paraan aniya ito ng pulisya para magpakitang gilas kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Umapela si Oliveros sa pamahalaan na isaprayoridad ang rehabilitasyon sa halip na patayin ang mga drug suspect.
Una rito, naaalarma na rin ang Commission on Human Rights o CHR sa pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
By Ralph Obina