Nakatakdang magpulong ang pamahalaang lokal ng Bulacan at operator ng North Luzon Expressway (NLEX) para pag-usapan ang nangyaring aberya sa ipinatutupad na cashless transaction sa pamamagitan ng radio-frequency identification (RFID).
Ayon kay Bulacan Mayor Boy Cruz, sa gagawing pagpupulong, kanila aniyang susuriing mabuti ang puno’t-dulo ng aberya at ano ang pupwedeng maging solusyon dito.
Dagdag pa ni Cruz, sadyang malaki ang problemang naidulot sa kanila ng mahabang pila dahil sa pagpapatupad ng naturang sistema.
Bukod pa rito, ani Cruz, kanilang tatalakayin din ang iba pang isyu gaya ng pagsasara ng NLEX Guiguinto Exit noon, maging ang isyu Balintawak Tabang Toll Plaza.