Isinailalim na sa Alert level 2 ang Bulacan na nagsimula kahapon, Nobyembre 1 at tatagal hanggang sa ika-14 ng Nobyembre.
Base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), mas maluwag na ngayon ang paggalaw ng mga residente maliban na lamang kung itatakda ng local government ang paghihigpit partikular na sa mga menor de edad at mga may comorbidities.
Dahil dito, papayagan sa 50 kapasidad ang mga tourist attractions, libraries, archives, museums, galleries, cultural shows, exhibits, entertainment venues na may live performers tulad ng karaoke bars, mga bars, clubs, concert halls, theaters, cinemas, amusement parks, fairs, maging ang kid amusement industries kabilang na dito ang playgrounds, playrooms, at kiddie rides.
Samantala, ang mga establisimyento naman na may Safety Seal Certifications ay maaaring magkapag-operate ng hanggang 60% ng kapasidad. —sa panulat ni Angelica Doctolero