Inihayag ni Bulacan Governor Daniel Fernando na natukoy na nila ang mga makatatanggap ng bakuna kontra COVID-19 bilang mga priority recipients nito.
Ayon kay Fernando, ang mga mauunang mabakunahan ay ang nasa 833 na mga empleyado ng Bulacan medical center.
Dagdag pa ni Fernando, na patuloy pa nilang sinasapinal ang listahan ng mga uunahing bakunahan kontra COVID-19 na mga healthcare workers mula sa pampubliko at pribadong mga ospital sa probinsya, maging ang mga indibidwal na kabilang sa vulnerable sector.