Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) Bulacan Provincial Office kung mayroong vigilante groups sa kanilang lalawigan.
Itoy matapos matagpuang patay sa isang liblib na barangay ng Meycauayan Bulacan ang isang pulis na may nakasabit pang karatulang may nakasulat na “pulis na pusher wag tularan”.
Ayon kay Senior Supt. Romy Caramat, hepe ng Bulacan PNP, bumuo na siya ng special investigation task group upang imbestigahan ang pagkakapatay kay PO3 Michael Malalad.
Kasabay nito ay kinumpirma ni Caramat na hindi lamang user ng illegal drugs si Malalad kundi napatunayan nila na isa rin itong drug dealer.
Bahagi ng pahayag ni Senior Superintendent Romy Caramat
Aminado si Caramat na posibleng hindi lamang si Malalad ang drug dealer sa hanay ng PNP sa Bulacan.
Samantala, mula lamang noong June 30 ay umaabot na sa 35 hinihinalang drug dealers sa Bulacan ang napapatay.
Ayon kay Caramat lumalabas sa kanilang mga anti-drug operations na halos armado na rin ang halos lahat ng drug dealers.
Bahagi ng pahayag ni Senior Superintendent Romy Caramat
By Len Aguirre | Ratsada Balita