Mataas ang morale ng Bulacan PNP matapos na papurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang epektibong pagpapatupad ng kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ito ay matapos ang one time bigtime operation na isinagawa noong Martes kung saan napatay ang 32 drug suspect.
Ayon kay Bulacan Provincial Director Senior Supt. Romeo Caramat, ikinalugod ng mga pulis na napansin ng Pangulo ang kanilang ginagawang trabaho.
Kasabay nito ay pinabulaanan ni Caramat ang balitang may quota ang PNP sa bilang ng mga mapapatay sa illegal drugs operation.
Sinabi pa ni Caramat na hindi nila ipinagmamalaki sa halip ay ikinalulungkot nila na maging madugo ang kanilang kampanya ngunit iginiit na kinakailangan ito lalo na kung seguridad na ng mga pulis ang nalalagay sa alanganin.
By Rianne Briones