Pansamantalang isasara ang main building ng kapitolyo ng Bulacan sa Malolos City simula bukas, Agosto a-10 hanggang a-14.
Ito ay upang magbigay daan sa disinfection ng gusali matapos namang mabatid na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong empleyado ng kapitolyo.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan, sumasailalim na sa isolation ang mga nagpositibong empleyado habang nagsasagawa na rin ng contact tracing para matukoy ang mga nakasalamuha ng mga ito.
Samantala, pansamantala munang mag-oopisina sa Bulacan Covention Center ang mga naapektuhang opisina sa provincial capitol main building.
Sa pinakahuling tala, umaabot na sa 1,699 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bulacan.