Muling nakapagtala ng panibagong phreatic o steam driven eruption ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Bulusan.
Batay abiso ng PHIVOLCS, naitala ang pag-alburoto bandang alas 3:17 ng madaling araw at tumagal ito ng 18 minuto.
Hindi naman gaanong nakita sa camera monitors ng ahensya ang ibinugang plumes ng Bulkang Bulusan.
Sa panayam ng DWIZ kay Philvolcs Undersecretary Director Renato Solidum Jr., sinabi nitong inaasahan na nila ang ganitong aktibidad sa bulkan dahil sa mataas na bilang ng naitatalang volcanic earthquakes o pagyanig.
Dahil dito, mananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang bulkan at patuloy na minomonitor ng PHILVOLCS ang mga aktibidad nito.