Biglang sumabog ang isang bulkan sa Democratic Republic of Congo dahilan upang lumikas ang libo-libong mga residente sa lungsod ng Goma na siyang pinakamalapit sa lugar.
Nasaksihan naman ang pagragasa ng lava mula sa Mount Nyiragongo malapit sa paliparan.
Huling sumabog ang nasabing bulkan noon pang 2002 kung saan 250 katao ang nasawi habang 120,000 naman ang nawalan ng tirahan.
Agad namang pinutol ni President Felix Tshisekedi ang kanyang biyahe patungong Europe at nagpasyang bumalik ng Congo dulot ng nasabing sakuna.