Itinaas na sa pinakamataas na alerto ang aktibong bulkan sa Bali, Indonesia.
Nangangahulugan ito ng posibilidad ng pagsabog ng Mount Agung.
Ayon sa National Disaster Management Agency, mataas ang volcanic activity ng Mount Agung kung saan nakitaan ito ng indikasyon ng pagtaas ng magma.
Dahil dito, libu-libong residente na nakatira malapit sa bulkan ang nagsipaglikas na.
Mahigpit na ring ipinagbabawal ang pag-akyat ng bundok sa loob ng siyam na kilometrong radius ng crater nito.
SMW: RPE