Sumabog ang pinaka-aktibong bulkan sa bansang Indonesia na Mount Merapi nitong Lunes.
Binalot ng binugang abo nito ang komunidad sa paligid ng bulkan.
Nitong nakaraang taon, aktibo na sa loob ng ilang buwan ang nasabing bulkan, kaya naman itinaas na ng awtoridad ang danger level nito.
Ayon naman sa Indonesia’s geological agency, binalaan na nila ang mga residente na iwasan ang volcanic ash at sila rin ay binalaan ng mga potensyal na lava flows sa nag-ngangalit na bulkan.
Wala namang utos ng paglikas at wala ring ulat ng mga namatay o nasugatan.—sa panulat ni Rex Espiritu