Nadiskubre ng mga siyentipiko na yelo sa halip na apoy o lava ang ibinubuga ng tila mga bulkan sa pluto.
Ayon ito kay Alan Stern, isa Planetary Scientist na kabilang sa team ng New Horizons Spacecraft ng nasa na umikot sa Pluto noong July 14.
Sa halip na mga nagbabagang mga bato, nagyeyelong tubig at iba pang klase ng ice tulad ng nitrogen, ammonia o methane ang maaari umanong ibuga ng bulkan sa Pluto.
Sinabi ni Stern na kasalukuyan pa rin ang transmission ng iba pang larawang kuha mula sa ibabaw ng pluto at nakatakda nila itong isapubliko sa hinaharap.
By Len Aguirre