Minomonitor na rin ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon at Bulkang Kanlaon sa Negros matapos makitaan ng senyales ng volcanic activity.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Office of the Civil Defense Administrator Ricardo Jalad, nakapagtala kahapon ang PHIVOLCS ng ilang mga ‘volcanic earthquakes sa mga lugar malapit sa mga nasabing bulkan.
Nakitaan din noong 17 ng Enero ang Bulkang Bulusan ng ‘low to moderate levels of unrest’ na nangangahulugan na magkakaroon pa ito ng mas maraming pagyanig.
Pagtitiyak naman ni PHIVOLCS Chief Renato Solidum Jr. na normal lamang sa nasabing mga bulkan na magkaroon ng mga volcanic activity.