Tuloy pa rin ang pagbuga ng abo at Sulfur Dioxide ng Bulkang Bulusan at Taal.
Sa datos ng PHIVOLCS hanggang kaninang alas-8 ng umaga, pumalo na sa 919 tonelada ng sulfur dioxide (So2), ang ibinuga ng Bulusan na umabot sa 500 metro.
Apat na pagyanig din ang naitala sa Bulusan.
Maliban sa bulkan, naglabas din ng 3, 645 tonelada ng So2 ang Bulkang Taal sa Batangas na kumalat ng 1, 500 metro.
Nananatili pa ring nakataas ang Alert level 1 sa dalawang bulkan kaya limitado pa rin ang mga aktibidad sa paligid nito