Normal na ang alert level status ng Bulkang Bulusan ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOlCS).
Dagdag pa ng (PHILVOlCS) dahil sa hindi na nagpapamalas ang Bulkang Bulusan ng volcanic earthquake activity , ground deformation, gas emission at visual observation of the summit kaya’t nasa Alert level 0 na lamang ang bulkan.
Batay sa ahensya, bumaba na sa 0 hanggang 2 ang bilang ng naitatalang volcanic earthquakes sa lugar simula pa noong Setyembre wala na ring pressurization sa subsurface magma at mababa na rin ang sulphur dioxide emission nito.
Matatandaang itinaas ang bulkan sa Alert Level 1 matapos nitong pumutok noong 2015.— sa panulat ni Agustina Nolasco