Itinaas na ng Phivolcs sa alert level 1 ang status ng Bulkang Bulusan.
Ayon sa Phivolcs, nangangahulugan lang nito na nasa abnormal na kondisyon ang naturang bulkan.
Batay sa pinakahuling volcano bulletin ng Phivolcs, naitala noong Mayo 8 ang 124 na mga volcanic earthquakes.
Paliwanag pa ng Phivolcs na ang pwedeng masundan ng phreatic eruption ang mataas na seismicity dahilan para abisuhan nila ang mga lokal na pamahalaan na ipagbawal sa kanilang mga residente na makapasok sa 4 kilometer danger zone.
Samantala, tiniyak naman ng ahensya na kanilang tinututukan ang sitwasyon ng bulkan.