Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Bulusan alas-9:00 kaninang umaga.
Ito ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Sesimology (PHIVOLCS) ay 13 araw matapos magbuga ang nasabing bulkan ng dalawang kilometrong abo nitong nakalipas na June 10.
Sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na normal lamang sa isang aktibong bulkan tulad ng Bulusan ang nangyari ritong phreatic eruption.
Nananatili ang alert level 1 sa Bulusan volcano at asahan na ang mas marami pang pagbuga nito ng usok.
Tiniyak ng PHIVOLCS ang patuloy na monitoring sa aktibidad ng naturang bulkan.
By Judith Larino