Muling nagbuga ng usok at abo ang Mount Bulusan sa Sorsogon, bago mag-tanghali kanina.
Dakong alas-11:35 nang magsimula ang eruption na tumagal naman ng limang minuto.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum, umabot sa 6,500 feet o 2,000 meters ang taas ng ibinugang usok at abo ng bulkan.
Nagkakaroon anya ng pressure na sanhi ng tubig-ulan na maaaring pumasok sa loob ng bulkan kaya’t muling nagkaroon ng maliit na phreatic explosion.
Sa kabila ng pagsabog, nananatili anyang nakataas ang alert level 1 sa Bulusan indikasyon na patuloy ang hydrothermal processes o pag-akyat ng magma sa ilalim ng bulkan na maaaring magresulta sa steam eruptions.
By Drew Nacino
Photo Credit: phivolcs