Nakapagtala ang Bulkang Bulusan ng 65 volcanic earthquakes kabilang ang isang low-frequency volcanic tremor nitong Lunes.
Ayon sa PHIVOLCS, karamihan sa mga pagyanig ay mahihina lamang ngunit posible ang panibagong phreatic eruption.
Nakataas pa rin sa ngayon ang Alert level 1 sa Bulkang Bulusan at patuloy na pinaiiwas ang mga mamamayan sa 4-kilometer permanent danger zone at maging sa 2-kilometer extended danger zone.
Sinabi naman ni Arvee Lodronio, pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bayan ng Juban, na inalerto na nila ang mga barangay at local agencies sa lugar na posibleng maapektuhan ng panibagong aktibidad ng bulkan.