Patuloy ang pagbabantay ng pamunuan ng PHIVOLCS sa Mt. Bulusan sa Sorsogon makaraang makapagtala ito ng mga aktibidad sa nakalipas na mga araw.
Batay sa inilabas na bulletin kanina umaga, pumalo sa 10 mga volcanic earthquake ang naitala ng bulkan sa nakalipas na magdamag.
Ayon naman sa PHIVOLCS, pawang mga low frequency ang naitalang pagyanig dahil sa magmatic gas activity.
Bukod pa rito, nakapagtala rin ng mahinang mga steam laden plumes na nagmula sa lower southeast vent ng bulkan.
Dahil dito, paalala ng mga awtoridad, na sa ilalim ng alert level 1, hindi pinapayagan ang pagpasok sa four kilometer radius permanent danger zone ng Mt. Bulusan.